Ika-4 titulo kay Coseteng

Nagtala ng magkasalungat na panalo sina Star drivers Jody Coseteng at Oscar Aguilar upang pangunahan ang kani-kanilang division para dominahin ng Havoline Racing Team ang final leg ng SVI Grand Prix na ginanap sa Subic Interational Raceway kahapon.

Pinormalisa ni Coseteng ang kanyang pag-angkin sa Super A class title nang kanyang pangunahan ang pang-umaga at panghapong karera para umani ng 113 puntos.

Hindi naman naging madali ang tagumpay ni Aguilar na tumanggap ng mahigpit na hamon kay Gaby dela Merced para makopo ang Challenge Cup class kung saan puma-ngalawa naman si Dr. Peewee Mendiola ng Havoline team.

Show comments