Magandang pagtatapos ng RP chessers
August 11, 2003 | 12:00am
Magandang pagtatapos ang isinagawa nina International Master Mark Paragua, Ronald Dableo at Joseph Catiwalaan Sanchez sa finals ng X Championnat de Nice finals round noong Sabado sa Grand Aston Hotel sa Nice, France.
Itinabla ng 19-anyos na si Paragua, Grand-master candidate ang kanyang laban kontra kay Sebastian Gachet ng France via 55 mara-thon moves Sicilian Defense-Marocy bind variation, pinisak naman ng 32 anyos na Cebuano woodpusher na si IM Sanchez si Andrea Mur-gia ng Italy sa 35 moves ng Sicilian Defense-Alapin variation habang dinurog din ng 24 anyos at Asian 3.2a zonal champ IM Dableo si Julien Boursier ng France sa 45 moves ng Slav Defense.
Ang undefeated na si Paragua ay nakalikom ng 3 wins, at 4 draws habang si Sanchez at Dableo ay nakapagtala ng 4 wins, 2 draws at 1 loss na may total 5.0 points para sa ika-9 hanggang ika-21 pu-westo ng mga Pinoy sa 164-field.
Kasalo ng tatlong Pinoy woodpushers sina GM Nikola Mitkov, IM Benjamin Bujisho, FIDE Master Igor Solomunovic, Dennis Bucher, Fabricio Patuzzo, Patrick Van Hoolandt, Francisco Calvacanti, Glies Moncamp, Agustino Redoglia at Gachet.
Tinanghal namang kampeon si Croatian Grandmaster Davor Komljenovic (6.0 points) na nanalo kay Bulgarian GM Petar Genov.
Nagsosyo sa ika-2 hanggang ikasiyam na puwesto na may 5.5 points sina GMs Igor Miladinovic, Bela Badea, Nenad Sulava, Vladimir Georgiev, Milko Pochev at IMs Mark Leski at Milan MRDJA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended