NCAA Basketball Tournament: JRU silat sa UPHR

Nakabangon na rin sa wakas sa pagkakalugmok ang University of Perpetual Help Rizal nang kanilang gulantangin ang Jose Rizal Uni-versity, 78-70 sa NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Pinigilan ng UPHR Altas ang six-game losing streak para iangat ang record sa 3-6 panalo-talo habang bumagsak naman ang JRU Heavy Bombers sa 5-4 kartada.

Mula sa 60 pagtatabla ng iskor, humataw ng 18-6 puntos ang UPHR Altas sa pangunguna nina Vladimir Joe, Noy Javier at Gerald Botin upang iposte ang 78-66 pangunguna na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.

Nanalo din ang junior counterparts ng UPHR na Altalletes kontra sa JRU Light Bombers, 81-74 para sa kanilang double victory sa araw na ito.

Show comments