^

PSN Palaro

Japanese tracksters nagkumpirma din

-
Tatapatan nina Asian Games veterans Asahara Nobuharu at Suetsugu Shingo ang hamon ng mga mahuhusay na tracksters mula sa China, Saudi Arabia, Qatar, Kazakhstan, Bahrain at Kuwait upang trangku-han ang Japan na nagkumpirma na ng kanilang paglahok sa 2003 Manila Asian Athletics Association Championships sa pagpapadala ng pinakamalaking bilang ng delegasyon na 88 atleta at opisyal.

Si Nobuharu, ranked 18th sa mundo ay tumapos ng ikalawa kay Al Safaar Jamal ng Saudi sa nakaraang Busan Asian Games noong nakaraang taon sa tiyempong 10.29 kumpara sa 10.24 sa 100 meters. Si Chen Haijian ng China ang tumersera.

Si Shingo ang sumungkit ng gold sa 200-m sa Korea at ranked 25th sa mundo. Siya ay naorasan ng 20.38 sa nasabing event matapos na talunin sina Chernovol Gennadiy ng Kazakhstan na mayroong 20.57, Yang Yaozu ng China, 20.58 at Kuwait’s Al Shammari Fawzi, 20.73.

Si Gennadiy ang 2002 Asian championships 200-m winner sa Sri Lanka na nagposte ng mababang marka na 20.73 segundo. Dinomina din niya ang apat na yugto ng 2003 Asian Grand Prix.

Bihasa naman si Fawzi sa 400-m dash at kanyang pinangibabawan ang Busan Asian Games sa pagtatala ng bagong marka na 44.93 at 2002 Asian Championships. Sa kasalukuyan siya ang No. 2 sa mundo.

Ang iba pang dapat kilalanin sa trackfest na ito ay sina Asian champions Yoshizawa Eiichi (men’s 20km walk) Sawano Daichi (men’s pole vault) at Murofoshi Koji (hammer throw).

Ang pag-entra ng Japan ay nagpasaya kay athletics president Go Teng Kok na sa kabila ng pagkakaroon ng krisis sa SARS, hindi nagdalawang isip ang Japan na magpadala ng kanilang mga atleta sa international tournaments.

Ang kumpirmasyon ng Japan ay umabot na sa kabuuang 35 bansa na sasabak sa nasabing events. Ang bagong mga dagdag bukod sa Japan ay ang Lebanon, Nepal, Syria, East Timor at Vietnam.

Mayroong 43 events--22 sa men’s art 21 naman sa women’s ang paglalabanan sa naturang track meet na ito na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Adidas, Colgate, Samsung at Gatorade. I

AL SAFAAR JAMAL

AL SHAMMARI FAWZI

ASAHARA NOBUHARU

ASIAN

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

ASIAN GRAND PRIX

BUSAN ASIAN GAMES

CHERNOVOL GENNADIY

EAST TIMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with