^

PSN Palaro

Chinese-Taipe team darating

-
Darating ngayon ang Chinovela star ng My MVP Valentine na si Tuan Chen Fong, upang pangunahan ang beteranong Chinese-Taipei team kontra sa Filipino squads para sa five-game RP-Taiwan Goodwill Series.

Si Tuan, Yen Hsing sa tunay na buhay kasama ang Taiwanese quintet ay nakatakdang makipaglaban kontra sa Purefoods, Ginebra, Shell, RP-Cebuana Lhuillier team at RP-Air21 Youth 20-under sa seryeng itataguyod ng tinaguriang basketball godfather na si Bert Lina na siya ring susundo sa Taiwanese team sa kanilang pagdating ngayon.

"I’m sure it will be an exciting friendly series," ani Lina. "The Taiwanese are slowly becoming as one of the powerhouse teams in the region and it will definitely be a learning process for them and for our Filipino teams as well."

Siyam sa manlalaro ng Taiwan’s 15-man roster ay naglaro sa Asiad kasama na sina Yen, ang basketball superstar na bukod sa isang aktor ay miyembro din ng boy band na 5566 na mahigpit na karibal ng isa pang grupo na F4 ng sikat na Meteor Garden.

Ang mga beteranong Asian Gamers ay sina Lee Chi-Yi, Chen Chi-Chung, Tseng Wen-Ting, Wu Chih-Wei, Yang Yu-Ming, Tien Lei, Chiu Chi-Yi, at Ho Shou-Cheng na sasamahan ng bagong dagdag na sina Chen Hui, Tang Tse-Yi, Hung Chi-Chao, Wu Tai-Hao, Lin Chih-Chien at Wu Chih-Yuan.

ASIAN GAMERS

BERT LINA

CEBUANA LHUILLIER

CHEN CHI-CHUNG

CHEN HUI

CHIU CHI-YI

HO SHOU-CHENG

HUNG CHI-CHAO

LEE CHI-YI

LIN CHIH-CHIEN

METEOR GARDEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with