^

PSN Palaro

Paragua kampeon sa Cannes Chess Fest

-
Nanaig si Grandmaster candidate Mark Paragua sa all-Pinoy na sagupaan sa final round laban sa kapwa International Master na si Ronald Dableo upang pagharian ang 15th Cannes International Open Chess Championships sa Cannes, France.

Tinapos ng 19-anyos na si Paragua ang nine-round Swiss system tournament na hawak ang pitong puntos.

Katulad ni Paragua na may pitong marka ang kababayang si Joseph Sanchez at Dimitar Marholev ng Bulgaria, ngunit dahil sa mas mataas na tiebreak points ay ipinagkaloob kay Paragua ang kampeonato.

Mayroong 44.5 tiebreak points ang miyembro ng Philippine team sa Vietnam Southeast Asian Games na si Paragua habang humugot lamang ng 44 ang sumegundang si Sanchez at malayo naman sa 41.5 marka si Marholev. Hawak ng 32-anyos na si Sanchez ang liderato papasok sa huling round at maiuuwi sana ang titulo kung hindi lamang napuwersa sa draw ni Lexy Ortega ng Italy.

Sa kabiguan ni Sanchez na makakuha ng panalo sa Italian player, ang bakbakan nina Paragua at Dableo ang tinutukan para madetermina ang maghahari sa torneo.

CANNES INTERNATIONAL OPEN CHESS CHAMPIONSHIPS

DIMITAR MARHOLEV

INTERNATIONAL MASTER

JOSEPH SANCHEZ

LEXY ORTEGA

MARK PARAGUA

PARAGUA

RONALD DABLEO

SANCHEZ

VIETNAM SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with