Kinumpleto ni Piamonte ang 20-kilometrong karera sa tiyem-pong isang oras, walong minuto at 31 segundo upang ibulsa ang mens title event kung saan naorasan si Mamac-Diaz ng isang oras at 25 minuto at siyam na segundo para ibulsa naman ang womens crown.
Sina Piamonte at Alquin Bolivar at naggitgitan hanggang sa 18 kilometro bago ang 28-anyos na Armyman ay kumawala upang kunin ang panalo.
Tumapos si Bolivar ng ikalawang puwesto sa tiyempong 1:08:53 habang si Roleto Cuevas naman ang tumersera sa 1:09:33.
Samantala, nagbalik na sa dating porma si Mamac-Diaz nang kanyang kunin ang 2001 Gen. Santos City leg matapos tumigil ng 10-taon sapul ng magpakasal ito noong 1992.
Pumangalawa kay Mamac-Diaz si Jhoan Banayag (1:25:53) at Genalyn Canete (1:30:58) ang tatlo ay pawang nakausad na sa 42-K Grand National Finals sa Metro Manila sa Oct. 19.