^

PSN Palaro

Piamonte Mamac-Diaz nalo sa Davao Elims

-
DAVAO CITY -- Kapwa dinomina nina Rolando Piamonte at ng beteranong runner na si Stella Mamac-Diaz ang kani-kanilang division sa regional elimination leg ng 27th National Milo Marathon sa PTA Ground dito kahapon.

Kinumpleto ni Piamonte ang 20-kilometrong karera sa tiyem-pong isang oras, walong minuto at 31 segundo upang ibulsa ang men’s title event kung saan naorasan si Mamac-Diaz ng isang oras at 25 minuto at siyam na segundo para ibulsa naman ang women’s crown.

Sina Piamonte at Alquin Bolivar at naggitgitan hanggang sa 18 kilometro bago ang 28-anyos na Armyman ay kumawala upang kunin ang panalo.

Tumapos si Bolivar ng ikalawang puwesto sa tiyempong 1:08:53 habang si Roleto Cuevas naman ang tumersera sa 1:09:33.

Samantala, nagbalik na sa dating porma si Mamac-Diaz nang kanyang kunin ang 2001 Gen. Santos City leg matapos tumigil ng 10-taon sapul ng magpakasal ito noong 1992.

Pumangalawa kay Mamac-Diaz si Jhoan Banayag (1:25:53) at Genalyn Canete (1:30:58) ang tatlo ay pawang nakausad na sa 42-K Grand National Finals sa Metro Manila sa Oct. 19.

ALQUIN BOLIVAR

GENALYN CANETE

JHOAN BANAYAG

K GRAND NATIONAL FINALS

MAMAC-DIAZ

METRO MANILA

NATIONAL MILO MARATHON

ROLANDO PIAMONTE

ROLETO CUEVAS

SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with