^

PSN Palaro

DLSU lusot sa NU sa OT

-
Dumaan muna sa overtime ang De La Salle University bago nila ipi-noste ang 95-82 panalo kontra sa National University kahapon sa UAAP men’s basketball tournament sa Ateneo gym.

Nakabawi ang La Salle sa kanilang 72-74 pagkatalo kontra sa Far Eastern University kamakalawa upang saluhan ang FEU Tamaraws sa pangkalahatang pamumuno dulot ng kanilang parehong 4-1 win-loss slate.

Pinangunahan ni Joseph Yeo ang DLSU Green Archers sa pagkamada ng 17-puntos upang ipalasap sa NU Bulldogs ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan makaraang magtagumpay sa kanilang debut game, 74-70 laban sa University of the Philippines.

Nahatak ng La Salle ang laro sa overtime nang pumukol si Yeo ng triple na siyang nagtabla ng score sa 79-all may 1.2 segundo na lamang ang nalalabing oras sa regulation.

Hindi basta-basta naipagpag ng La Salle ang oposisyong ibinigay ng Nationals na nanatiling nakadikit sa 83-82 sa extra period.

Sa ikalawang laro, nanalo naman ang defending champion Ateneo kontra sa UP, 70-68. (Ulat ni CVO)

ATENEO

DE LA SALLE UNIVERSITY

DUMAAN

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

JOSEPH YEO

LA SALLE

NAHATAK

NATIONAL UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with