^

PSN Palaro

Jilin ng China sadsad sa Nationals

-
Ipinakita ng Cebuano Lhuillier-RP team na mayroon din silang ibu-buga nang kanilang pasadsarin ang Magnolia-Jilin Yi Qi mula sa China, 114-91 sa Sam-sung PBA Invitational Championships kaha-pon sa Cuneta Astrodome.

Matapos mapahiya sa San Miguel Beer sa kanilang debut game, 55-95, nagpakitang gilas ang RP squad na nagsasanay para sa Asian Basektball Confederation at Southeast Asian Games upang iangat ang kanilang record sa 1-1 panalo-talo.

Piunangunahan ni Gary David ang Cebuana-RP sa paghakot ng 27 puntos bukod pa sa limang rebounds, isang steal at isang assists ngunit impresibong performance din ang ipinamalas nina Nelbert Omolon at Celino Cruz.

Kinulang lamang ng isan assists si Cruz para sa triple double perfor-mance sa pagposte nito ng 12 puntos, 12 rebounds at siyam na assists, habang sinamahan naman ni Omoln ang kanyang 11 puntos na produksiyon ng pitong rebounds at pitong steals na tumabla sa fourth all time record.

Bagamat humataw ang top player ng Magnolia-Jilin ng 34 puntos, nasayang lamang ito dahil sa kanilang nalasap na ikalawang sunod na pagkatalo sa gayon ding dami ng laro.

Palaban pa ang Chinese team sa unang quarter kung saan humakot ng 19 puntos si Sun, ngunit ito na lamang ang kanilang nagawang oposisyon nang magsimulang kumawala ang RP team sa ikalawang canto para kunin ang 61-44 kalamangan sa halftime.

Kasalukuyang naglalaro ang Red Bull at FedEx habang sinusulat ang balitang ito.

ASIAN BASEKTBALL CONFEDERATION

CEBUANO LHUILLIER

CELINO CRUZ

CUNETA ASTRODOME

GARY DAVID

INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

MAGNOLIA-JILIN YI QI

NELBERT OMOLON

RED BULL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with