"Iyon ang gusto kong iwanang pamana na kung sakaling magreretiro na ako at tanghaling kampeon sa tatlong divisions na wala pang Pinoy o Asyanong nakakagawa, " pahayag ng 24 anyos na si Pacquiao sa SCOOP sa Kamayan kahapon.
Gayunpaman, hindi magiging madali ang paglipat sa 126 lbs. divi-sion. Ngunit sinabi ng 122 lbs. champion na depende rin ito sa magiging resulta ng negosasyon ng kanyang business manager na si Rod Nazario na inaayos ngayon ito sa IBF at American promoters.
"Kaya nagpaiwan si Mr. Nazario sa US ay para makipag-usap sa mga kinauukulan hinggil sa susunod kong laban," ani pa ng ipinagmamalaki ng General Santos sa South Cotabato.
Kasama ni Pacquiao ang kanyang asawang si Jinky, Lito Mondejar at Buboy Fernandez nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa West Ave., Quezon City na nagkumpirma din sa sinabi ni Pacquiao na mas nais nitong unang makaharap si Marco Antonio Barrera.
"Sabi kasi nila, si Barrera daw ang pinak-magaling sa featherweight ngayon kaya gusto ko sana, kung puwede na makalaban siya para malaman ko kung gaano ako kalakas at kung hanggang saan ang mararating ko," aniya pa.
"Pero depende pa rin kung ano ang mapagkakasunduan ni Mr. Nazario at mga kasama niya," dagdag ni Pacquiao.
Samantala, bilang adopted son ng Maynila, dumalaw si Pacquiao sa Manila City Hall upang magbigay pugay kay Manila mayor Lito Atienza.
Dakong alas-2 ng hapon ng dumating si Pacquiao sa Manila City Hall at masayang sinalubong ito ng alkalde at ng mga tagahanga niya.
Disiplina sa katawan at ensayo ang umanoy sikreto ni Pacquiao kung bakit malakas ang katawan nito at napabagsak ang Mexican challenger na si Emmanuel Lucero sa loob lamang ng tatlong round. (Ulat nina Dina Marie Villena at Gemma Amargo)