^

PSN Palaro

3 korona sa ibat-ibang division target pakyawin ni Manny

-
Ipinahayag ni International Boxing Federation junior featherweight champion Manny Pacquiao ang kanyang interes na umusad sa mas mabigat na featherweight division at umasang maging kauna-unahang Pinoy na magwawagi ng world crown sa tatlong magkakaibang divisions.

"Iyon ang gusto kong iwanang pamana na kung sakaling magreretiro na ako at tanghaling kampeon sa tatlong divisions na wala pang Pinoy o Asyanong nakakagawa, " pahayag ng 24 anyos na si Pacquiao sa SCOOP sa Kamayan kahapon.

Gayunpaman, hindi magiging madali ang paglipat sa 126 lbs. divi-sion. Ngunit sinabi ng 122 lbs. champion na depende rin ito sa magiging resulta ng negosasyon ng kanyang business manager na si Rod Nazario na inaayos ngayon ito sa IBF at American promoters.

"Kaya nagpaiwan si Mr. Nazario sa US ay para makipag-usap sa mga kinauukulan hinggil sa susunod kong laban," ani pa ng ipinagmamalaki ng General Santos sa South Cotabato.

Kasama ni Pacquiao ang kanyang asawang si Jinky, Lito Mondejar at Buboy Fernandez nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa West Ave., Quezon City na nagkumpirma din sa sinabi ni Pacquiao na mas nais nitong unang makaharap si Marco Antonio Barrera.

"Sabi kasi nila, si Barrera daw ang pinak-magaling sa featherweight ngayon kaya gusto ko sana, kung puwede na makalaban siya para malaman ko kung gaano ako kalakas at kung hanggang saan ang mararating ko," aniya pa.

"Pero depende pa rin kung ano ang mapagkakasunduan ni Mr. Nazario at mga kasama niya," dagdag ni Pacquiao.

Samantala, bilang adopted son ng Maynila, dumalaw si Pacquiao sa Manila City Hall upang magbigay pugay kay Manila mayor Lito Atienza.

Dakong alas-2 ng hapon ng dumating si Pacquiao sa Manila City Hall at masayang sinalubong ito ng alkalde at ng mga tagahanga niya.

Disiplina sa katawan at ensayo ang umano’y sikreto ni Pacquiao kung bakit malakas ang katawan nito at napabagsak ang Mexican challenger na si Emmanuel Lucero sa loob lamang ng tatlong round. (Ulat nina Dina Marie Villena at Gemma Amargo)

BUBOY FERNANDEZ

DINA MARIE VILLENA

EMMANUEL LUCERO

GEMMA AMARGO

GENERAL SANTOS

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

MANILA CITY HALL

MR. NAZARIO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with