Korea tatapatan ng Talk N Text;2 win target ng Beermen
August 1, 2003 | 12:00am
Bubuksan ng All Filipino Cup Champion Talk N Text Phone Pals ang kanilang kampanya sa Samsung PBA Invitational Championship habang ikalawang sunod na panalo naman ang hangad ng San Miguel Beer kontra sa kanilang magkahiwalay na kalaban ngayon sa Cuneta Astrodome.
Makakasagupa ng SMBeer ang kanilang kapatid na kumpanyang Coca-Cola Tigers na magsasagawa rin ng kanilang debut sa ikala-wang kumperensiyang ito sa alas-5:00 ng hapon.
Ang mapanganib na Yonsei-Korea naman ang asignatura ng Phone Pals sa main game, alas-7:30 ng gabi.
Naging magaan ang panalo ng San Miguel noong opening day laban sa Cebuana Lhuillier-RP Team, 95-55.
Itoy dahil na rin sa pagkawala sa line-up ng Pambansang koponan na naghahanda para sa Asian Basketball Confe-deration (ABC) at sa Southeast Asian Games ng mga University Athletics Association of the Philippines players na di pinayagang maglaro ng UAAP board.
Bagamat bigo ang Yonsei-Korea sa kanilang unang laro, nahirapan muna ang Red Bull Barako bago maiposte ang 106-96 pamamayani noong Linggo.
Kinaliskisan ng Barakos ang collegiate team ng Korea at lumabas ang kanilang bilis at mahusay na perimeter shooting.
Tanging si Asi Taulava lamang ang lehitimong big men ni Talk N Text coach Joel Banal ngunit meron itong Jimmy Alapag, Harvey Carey, Patrick Fran, Victor Pablo, Felix Belano at iba pa.
Balik na ang dating porma ni Danny Ildefonso na siyang nanguna sa Beermen sa kanilang nakaraang panalo at inaasahang muling baban-dera ito kasama sina Nick Belasco, Olsen Racela, Benjie Paras, Dondon Hontiveros at iba pa.
Matapos maagawan ng All Filipino title, inaasahang gigil na gigil ang Tigers na muling makah-wak ng titulo at itoy kanilang sisimulang trabahuhin ngayon sa tulong nina Rafi Reavis, Rob Wainwright, Ato Morano, Johnny Abarrientos, Rudy Hatfield, Jeffrey Cariaso at iba pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended