^

PSN Palaro

MITSA NG PAGBABAGO

GAME NA! - Bill Velasco -
Mahigit 80 taon na palang nagsisilbing mitsa ng pagbabago sa football ang isang kompanyang nagsimula sa labahan. Hindi labandera si Adi Dassler, pero nagsimula siyang gumawa ng sapatos para sa mga atleta sa kanilang maliit na washroom noong 1920.

Pagkaraan ng limang taon, isang dosena nang miyembro ng angkan ang katulong niya sa paggawa ng 50 pares ng sapatos araw-araw. Dito unang nilikha ni Dassler ang football boots na may spikes na nakapako pa. Makalipas ang 2 taon, lumipat na siya sa isang gusali, sa ambisyon na makalikha ng 1,000 pares bawat araw.

1948 na nang marehistro ni Dassler ang kompanyang "Adidas" at pati na rin ang tatak nitong tatlong guhit. Pagkatapos nito, sunod-sunod na ang pagbabagong ginawa niya sa Football.

Una sa mga ito ay ang Samba, sapatos na tadtad ng spikes subalit buo ang suwelas. Bago magsimula ang 1954 World Cup Finals, nilabas ni Dassler ang unang football shoe na ginagamitan ng turnilyo ang spikes.

Dahil dito, nakaiskor ang Germany laban sa Hungary upang magkampeon sa putikang palaruan.

Si Dassler rin ang unang gumamit ng nylon para sa mas matibay na suwelas. Ngayon, halos lahat ng sports shoes sa mundo ay gumagamit nito.

Dala ng tagumpay ng Germany, halos lahat ng manlalaro sa mga sumunod na World Cup ay gumamit ng Adidas. Pinag-aralan naman ni Dassler kung paano pagandahin ang bola. Noong mga panahon na iyon, lahat ng bola ay gawa sa balat, na masakit sipain at bumibigat pag nabasa ng tubig-ulan.

Nang nilikha ni Dassler ang puting football, ginawa niya ang makabagong disenyo upang maging ganap na bilog ito. Ito ang naging pamantayan sa buong mundo hanggang ngayon.

Namatay si Dassler noong 1978, ngunit nasindihan na ang dinamitang magbabago sa anyo ng football sa buong daigdig, hanggang sa paglikha ng Fever nova, bolang gagamitin sa FIFA Women's World Cup ngayong taon.

At ang lahat ay nagsimula sa isang abang labahan lamang.

ADI DASSLER

ADIDAS

DAHIL

DALA

DASSLER

DITO

FOOTBALL

SI DASSLER

WORLD CUP

WORLD CUP FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with