IBF World Badminton: Asuncion pasok sa Last 32
July 31, 2003 | 12:00am
ENGLAND -- Humatak si Kennevic Asuncion ng 17-14, 15-8 upset na panalo kontra sa local bet na si Andrew Smith noong Martes upang makapasok sa Last 32 ng IBF World Badminton Championships sa National Indoor Arena sa Birmingham, England.
Sa kabila ng mapanganib na hamong kinaharap mula sa worlds No. 37, nagawa itong tabunan ni Asuncion at naligtasan niya ang mahigpitang unang set na labanan bago nagawang dominahin ang sumunod na set para tapusin ang laban sa loob ng 41 minuto sa Court 2 na siyang malaking upset na nangyari sa opening round ng annual championships na ito.
Gayunpaman, ang ace Filipino player ay muling nahaharap sa mapanganib na laban sa kanyang pagsagupa kay Korean Lee Hyun-il, ang eight-seeded player sa tournament na ito kung saan makakalaban niya ito sa isa sa Last 32 matches sa Court 4.
Ang panalong ito ni Asuncion ay nabahiran ng lungkot matapos na siya ay makipag-pareha sa kanyang kapatid na si Kennie ay mabigo sa mixed doubles bunga ng 6-15, 9-15 pagkatalo mula sa Indon tan-dem nina Anngun at Eny.
Samantala, ang magandang panimula ni Kennevic sa world title ay inaasahang magbibigay sa kanya ng malaking laban para sa kampanya ng Filipino sa nalalapit na JVC Open Badminton Championships na magbubukas sa Aug. 25 sa Glorietta Activity Center sa Makati.
Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan para sa isang linggong tournament, ayon sa IMG, ang organizer ng tourna-ment na ginaganap sa ilalim ng pamamahala ng Philippine Badminton Association.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended