Halos hindi nagkamali sa kabuuan ng laro ang Junior Phone Pals nang sa simula pa lang ay ipinadama ang lakas sa pamamagitan ng mga fastbreaks at mahusay na halfcourt game upang umabante ng hanggang 53-37 tungo sa isang impresibong panalo.
Umaasa ang Cebuano Junior Phone Pals na maduduplika nila ang kanilang titulong nakuha kontra sa mga kalabang taga-Luzon sa isang linggong cagefest para sa mga players na may edad 18 anyos pababa at may taas na six-feet pataas at itinataguyod ng Air21 at Smart kasama ang Mail & More bilang minor backer.
Sa iba pang laro, pinamunuan naman ni Cebu Schools Athletic Foundation Inc. 2002 season Rookie of the Year Jayford Rodriguez ang John-O para igupo ang Samsung 101-71 habang binugbog ng Youth For Roco ang Timex, 97-69.
Umiskor ng 41 pun-tos si Rodriguez habang nag-ambag naman si Eulogio Lasala Jr. at Alexander Regis Jr. ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa University of Visayas-John O team na guma-mit ng 29-13 run para durugin ang Samsung.
Samantala, nagtu-lung-tulong naman sina Miguel Angelo Pacheco, Jori Dale Perez, Alfredo Gerilla Jr. at Joseph sa balanseng opensa at mahusay na depensa para daigin ng Youth 4 Roco ang Timex.