Hindi na lalaro si Oliver Dimakiling, ang Archers Board One ace sa nakalipas na season, subalit mayroon naman ang defending cham-pions ng isang junior standout na si John Paul Gomez sa kanilang roster sa pagsisimula ng kanilang laban kontra sa University of Santo Tomas sa linggo.
Magsisimula ang mens at womens chess competitions sa alas-8 ng unmaga kung saan makakasagupa ng Adamson ang UE, titipanin ng Ateneo ang NU at haharapin naman ng UP ang FEU sa iba pang mens chess contest.
Tampok naman sa womens chess action kung saan nakakuha ang kasalukuyang titlist De La Salle ng bye sa opening. Magsasagupa naman sa Linggo ang NU at UST, Ateneo kontra UE at FEU vs UP.
Samantala, magbabalik naman bukas ang sagupaan sa volleyball sa University of the Philippines-Diliman gym.
Tampok sa mens matches ang engkuwentro sa pagitan ng Adamson at Ateneo, UE vs NU, UST laban sa FEU at DLSU vs UP.
Kabilang din sa first semester calendar ng UAAP ang table tennis competitions na iho-host ng UST, habang ang swimming ay ang de La Salle ang siyang magiging punong-abala sa Rizal Memorial pool. Ang dalawang nasabing sports ay gaganapin sa buwan ng Setyembre.