^

PSN Palaro

Kampanya ng DLSU chessers sisimulan sa Linggo

-
Sisimulan ng De La Salle ang kanilang pagdedepensa ng men’s title na wala ang kanilang top board player sa pagsisimula ng hostilidad ng 66th UAAP chess tournament ngayong linggo sa University of the East (UE) Briefing Room sa Manila.

Hindi na lalaro si Oliver Dimakiling, ang Archer’s Board One ace sa nakalipas na season, subalit mayroon naman ang defending cham-pions ng isang junior standout na si John Paul Gomez sa kanilang roster sa pagsisimula ng kanilang laban kontra sa University of Santo Tomas sa linggo.

Magsisimula ang men’s at women’s chess competitions sa alas-8 ng unmaga kung saan makakasagupa ng Adamson ang UE, titipanin ng Ateneo ang NU at haharapin naman ng UP ang FEU sa iba pang men’s chess contest.

Tampok naman sa women’s chess action kung saan nakakuha ang kasalukuyang titlist De La Salle ng bye sa opening. Magsasagupa naman sa Linggo ang NU at UST, Ateneo kontra UE at FEU vs UP.

Samantala, magbabalik naman bukas ang sagupaan sa volleyball sa University of the Philippines-Diliman gym.

Tampok sa men’s matches ang engkuwentro sa pagitan ng Adamson at Ateneo, UE vs NU, UST laban sa FEU at DLSU vs UP.

Kabilang din sa first semester calendar ng UAAP ang table tennis competitions na iho-host ng UST, habang ang swimming ay ang de La Salle ang siyang magiging punong-abala sa Rizal Memorial pool. Ang dalawang nasabing sports ay gaganapin sa buwan ng Setyembre.

ADAMSON

ATENEO

BOARD ONE

BRIEFING ROOM

DE LA SALLE

JOHN PAUL GOMEZ

LA SALLE

OLIVER DIMAKILING

RIZAL MEMORIAL

TAMPOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with