Pinakamalaking laban ni Pacquiao, inihahanda na
July 29, 2003 | 12:00am
Inililinya na si International Boxing Federation junior featherweight champion Manny Pacquiao sa isang laban na tinataguriang biggest fight of his career ng kanyang business manager na si Rod Nazario.
Ngunit ayaw munang ibunyag ni Nazario kung sino ang kanyang makakalaban.
Nais naman ng Pinoy champ na harapin ang sinuman kina Paulie Ayala at Marco Antonio Barrera ngunit mas gusto ng kanyang American trainer na si Freddie Roach na unahin muna si Ayala kung saan kumpiyansa silang patutulugin ni Pacquiao sa unang round palang.
Sinabi rin ni Nazario na hindi pa napipinalisa ang negosasyon para sa malaking laban ni Pacquiao matapos ang isang impresibong panalo ng Pinoy kontra kay Emmanuel Lucero ng Mexico na kanyang pinatumba sa ikatlong round sa pro-Mexican crown na Grand Olympic Auditorium sa Los Angeles, U.S.A.
Nakatakdang dumating sa bansa si Pacquiao kasama ang buong en-tourage sa Miyerkules sakay ng Northwest Airlines.
Ayon pa kay Nazario, pumirma ito ng isang kasunduan para sa pag-depensa ni Pacquiao ng kanyang korona kontra sa number 1 contender na si Jose Luis Valbuena sa loob ng 90 araw matapos ang matagumpay na pagdepensa niya ng korona laban kay Lucero ngunit nagkaroon ng managerial problems at hindi na rin siya ang no. 1 contender.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am