^

PSN Palaro

Dahil sa kudeta, UAAP games kanselado

-
Dahil sa naganap na pagrerebelde ng mga militar sa Makati City, nagdesisyon ang UAAP board na kanselahin ang nakatakdang laro kahapon sa juniors at women’s basketball at maging ang men’s at women’s volleyball.

Ang nasabing mga kinanselang laro ay itutuloy na lamang pagkatapos ng elimination round, ayon sa UAAP board.

Maging ang mga nakatakdang laro sa Martes sa volleyball games sa UP Human Kinetics at sa Huwebes sa juniors at men’s basketball sa Araneta Coliseum at ang women’s encounter na ginaganap naman sa Adamson gym ay apektado rin ng nasabing kaguluhan at ito ay iniurong at saka na lamang ito itutuloy depende sa magiging situwasyon.

Lalaruin sana kahapon ang sagupaan ng UE at UP, Adamson kontra De La Salle sa Ateneo Blue Eagle gym, gayundin ang junior teams ng apat na koponan.

ADAMSON

ARANETA COLISEUM

ATENEO BLUE EAGLE

DAHIL

DE LA SALLE

HUMAN KINETICS

HUWEBES

LALARUIN

LARO

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with