Imperial, Quitara naka-buwenamanong panalo

NAGA - Tinalo ni Christian Imperial si Lexter Quitara, 6-2, 6-2 at pinatalsik naman ng Baao town teammate na si Donald Carloy si Michael Britanico, 6-0, 6-3 upang umusad sa kani-kanilang divisions sa pagsisimula ng 2003 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop noong Sabado dito sa Nordia Tennis Club.

Makakaharap ni Imperial si Kevin Mamawal ng Flos Carmeli-QC sa unisex 10-under bracket; habang sasagupain naman ni Carloy ang mahigpit na paboritong si Mark Balce ng Ateneo na umiskor ng 6-2, 6-2 tagumpay kontra sa local boy na si Jack Osea sa boys’ 12-under class ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Adidas at Sports Kids na may sanction ng Philta.

"Talagang ibinuhos ko ang lakas ko upang matakasan ko ang laban na ito at bigyang kasiyahan ang aking mga kababayan. Para sa kanila ang panalong ito," wika ni Imperial matapos ang kanyang panalo.

Hiniya nina Kim Ivor Saraza si Jonathan Imperial, 6-0, 6-1 at naungusan naman ni Ronnie Rubio si Rey Intia, 7-6, 3-6, 7-6 upang makasama sina Carloy at Balce sa susunod na round.

Sa boys’ 14-under class, ginapi ni Franco Contreras si Kirby Imperial, 6-2, 7-6; pinabagsak ni Jerome Bernales si Kitchell Imperial, 6-1, 6-3 upang makasama sa susunod na round sina Mac San Jose at Jason Imperial.

Show comments