^

PSN Palaro

Handang-handa na si Pacquiao

-
Hangad ni International Boxing Federation superbantamweight champion Manny Pacquiao na durugin ang wala pang talong challenger na si Emmanuel Lucero ng Mexico sa kanilang pagtatagpo ngayon sa Olympic Auditorium sa Los Angeles.

At sa opisyal na pagtitimbang, kagulat-gulat na tumitimbang si Pacquiao ng 120.5 lbs. at ang kalabang Mehikano naman ay 121lbs.

Dalawang araw bago pa man ang laban, lagpas sa limitasyon ang timbang ni Pacquiao sa 124 lbs. at mabilis na nakapagdiyeta upang makaiwas sa nangyari sa kanya ng mawala sa kanyang kamay ang WBC flyweight title kay Medgeon 3K Battery kung saan ang dehyd-rated na si Pacquiao ay pinigil ng Thai fighter.

Ayon sa kanyang American trainer na si Freddie Roach, ayaw nitong maipit si Pacquiao sa mga nagtitiwala sa kanya para maging agre-sibo para patunayan lamang ang galing niya.

Nais nitong maging maaliwalas at mahinahon ito sa kanyang istilo sa loob at labas ng ring para maging pokado kay Lucero na ayon sa kanya ay isang malakas at matibay na boksingero at madaling makakabangon kapag pinatumba sa lona.

Napanood na ni Lucero at nang kanyang kampo ang mga istilo ni Pacquiao at napag-aralan kaya’t sinabi naman nitong alam na niya kung papaano tatalunin ang Pinoy champ.

Sinabi naman ni Roach na ang tigasing boksingero mula sa Bronx, New York ay malakas magtapon ng right at hook sa katawan na mag-bibigay ng bentahe kay Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang straight right dahil mas mabilis itong kumilos at magpakawala ng suntok.

Sinabi rin ng trainer ni Pacquiao, na bagamat may tsismis sa mga ‘night escapades’ ng Pinoy, nasa kondisyon at handa na ito sapul nang magsanay sa Wild Card gym na malapit sa Hollywood.

Ayon pa kay Roach, susuportahan at mahal ng mga fans si Pacquiao sa Amerika at hinangaan ang Pinoy champ nang magtala ito ng eksplosibong panalo kay Lehlo Ledwaba at Jorge Eliecer Julio, at ang katapangan kontra sa maruming lumaban na si Agapito Sanchez.

Naniniwala din si Roach na si Pacquiao ang pinakamagaling na bok-singero sa 122 lbs. at nais nitong harapin ng kanyang bata ang beteranong si Paulie Ayala sa 126 lbs. sa susunod. At kapag walang problema susunod na itatapat kay Pacquiao si Barrera at Erik Morales. (Ulat ni DMVillena)

AGAPITO SANCHEZ

AYON

EMMANUEL LUCERO

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JORGE ELIECER JULIO

LEHLO LEDWABA

PACQUIAO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with