FEU Tamaraws hangad maging lider

Hangad ng Far East-ern University na muling masolo ang liderato sa UAAP men’s basketball tournament sa kanilang nakatakdang pakikipag-harap sa University of Santo Tomas ngayon.

Magku-krus ang lan-das ng FEU Tamaraws at UST Tigers sa alas-4:00 ng hapon sa Ateneo Gym pagkatapos ng sagupaan ng defending champion Atneo de Manila University at National University sa alas-2:00.

Katabla sa kasalukuyan ng Far Eastern ang De La Salle University sa pangkalahatang pamumuno bunga ng kanilang magkatulad na 3-0 record.

Nakabuntot ang walang larong University of the East habang pare-parehong may 1-2 kartada ang Ateneo Blue Eagles, Santo Tomas, NU Bulldogs at pahinga ang Adamson University.

Kinolekta ng Tamaraws ang kanilang mga panalo laban sa Adamson Falcons, 57-53, noong July 13; Ateneo, 73-62 noong July 17 at ang pinakahuli ay sa Nationals sa impresibong 71-49 panalo noong July 20.

Hangad namang masundan ng Blue Eagles ang kanilang kauna-una-hang panalo kontra sa Uste, 69-65 matapos mabigo sa kanilang unang dalawang asignatura.

Pangungunahan nina Mark Isip, 2002 Rookie of the Year, Arwin Santos, Gerard Jones, Dennis Miranda, Rodney Sinco at Don Yabut ang Far East-ern na tatapatan naman nina Alwin Espiritu, Derrick Hubalde, Jenino Manansala at Christian Luanzon para sa Tigers. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments