Sokor 5 unang kakaliskisan
July 24, 2003 | 12:00am
Unang makakaliskisan ang tikas ng Yonsei University, ang formidable collegiate squad mula sa South Korea sa tatlong dayuhang koponan sa pagbubukas ng Samsung-PBA Invitational Championship kung saan susukatan nila ng lakas ang Red Bull Barako sa Linggo sa Cuneta Astrodome.
Nauna rito, babanggain naman ng Philippine Team, nagpapalakas pa-ra sa nalalapit nilang kampanya sa ABC mens championship sa China at sa SEA games sa Vietnam ang San Miguel Beer sa unang sultada dakong alas-4 ng hapon.
Nakatakda ang eng-kuwentro ng Yonsei University at Barako sa alas-6:30 ng gabi.
Inaasahan na ang tunggalian ng Yonsei-Red Bull Barako ay magta-tampok sa pahusayan ng opensa kung saan kilala ang Koreans sa kanilang mahusay na passing game at pamatay na outside shooting, habang ang Thunder naman ang siyang top offensive teams sa liga.
Ang Yonsei University ay babanderahan ng apat na mainstays ng Korean national junior team na sumibak sa karibal nilang China, 101-72 kamakailan sa world junior championship sa Greece. Ang mga youth players ay sina Yang Hee-Jong, Kim Tae-Sul, Kim Jae-Hwan at Lee Kwang-Jae.
Kasabay rin ng debut ng Koreans sa tatlong linggong PBA invitationals ang pagbabalik sa akti-bong laro ni Jimwell Torion upang makadagdag ng suporta sa Barako. (Ulat ni BRepizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended