Si Pacquiao ay magdedepensa ng kanyang International Boxing Fed-ration (IBF) superbantamweight crown sa ikaapat na pagkakataon.
Sa kabila ng sobra ito ng dalawang pounds sa itinakdang timbang, hindi pa rin nagdidiyeta si Pacquiao upang mabawasan ang kanyang timbang.
"Kumakain pa nga si Kuya Manny eh," wika ni Fernandez, isang matalik na kaibigan ng boksingerong tubong General Santos noong sila ay bata pa, matapos ang training ng boxer noong Martes ng gabi sa Wild Card Boxing Club, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang oisyal na tirahan sa Vagabond Inn sa Hollywood.
"Ang masama ay kung two pounds over na eh tapos nag-rereduce pa. Pero hindi naman eh," dagdag pa ni Fernandez, kung saan ang kanyang training method ay inihalintulad niya kay Roach kung saan ang kanyang sweatshop ay nasa N. Vine Street ay humakot ng pansin hindi lamang ng mga top professional fighters kundi ng mga Hollywood celebrities.
Noong Miyerkules ng gabi, inubos ni Pacquiao ang kanyang oras sa Wild Card Gym bagamat wala itong sparring session. Ang kanyang sparring ay opisyal na nagwakas noong Lunes sa utos na rin ni Roach.
Ayon naman kay Rod Nazario, ang business manager ni Pacquiao na nasa magandang kundisyon si Pacquiao at ang kanyang ay training maayos at akma ito upang makasabay sa laban ni Lucero.
"Mannys been really doing well in the gym. He is obviously in good condition," ani Nazario.
Hinirang naman si Jose Cobian ng California na ikatlong lalaki sa ibabaw ng ring para sa Pacquiao-Lucero fight, habang ang tatlong judges ay binubuo nina James Bagshaw ng New Mexico, Gwen Adair at Max De Luca na kapwa taga California.
Ang paghaharap nina Pacquiao at Lucero ang main supporting bout sa tampok na sagupaan naman nina Fernando Vargas ng California at Fitz Vanderpool ng Canada.