Eh wala naman pala silang kontrata, bakit sila magbabayad ng ganoon kalaki sa PBA?
Malakas ang loob ng mga taga-Beam dahil wala naman palang kontrata.
Karma-karma lang talaga yan, noh?
Mayroon akong kilala na noong bago mag-umpisa ang PBA first conference ay kinausap nila para maglabas ng isang PBA newsletter para sa mga fans.
Nang maibigay ang proposal para sa newsletter, agree ang buong Board. Okey silang lahat. Ilalabas ang newsletter na ito para sa mga fans ng PBA na nanonood sa coliseum.
Nakapaglabas naman ng first issue at tumatakbo na sana itong nang maayos ng biglang ipahinto ng Commissioner ang pagpapalabas ng second issue sa dahilang siya lang ang nakakaalam.
Ayos na sana ang second issue at itatakbo na lang sa printing press, pero hindi ito itinuloy dahil sa ayaw na ni Commissioner. So, hindi na nga lumabas ang second issue ng newsletter.
Nagkagastos na yung gumagawa ng newsletter sa pagpapagawa ng logo, color separation, sa graphics, at kung anu-ano pa, at ngayong naghahabol na siya ng bayad para sa mga nagastos niya, hindi niya ito makuha.
At dinededma na siya,
Hindi ko alam kung alam na ng Board ng PBA ang dahilan kung bakit hindi na naituloy ang second issue ng naturang newsletter. Hindi naman daw puwedeng sabihing pangit na lumabas yung first issue dahil sa kauumpisa pa lang ng PBA noon, at wala pang mailalaman sa newsletter kundi ang mga line-ups ng mga PBA teams.
May karapatan nga naman si Commissioner na ipahinto na ang newsletter na yun dahil -oo nga naman, wala namang kontrata between the PBA at yung gumagawa ng newsletter.
Very true.
Ano nga naman ang karapatan pa nung gumagawa ng newsletter na maghabol sa bayad eh wala naman pala silang kontrata at hindi naman siya binigyan ng kontrata ng PBA.
Akala kasi niya, enough na yung word of honor at kausap niya mismo ang Commissioner.
Hindi pala.
Kaya hindi na umaasa yung gumagawa ng newsletter na mabayaran pa dahil wala nga naman silang kontrata. Ang kanya lang sana, sabihan siya na wala na siyang aasahan.
Ngayon, ayaw din silang bayaran ng mga taga-Beam dahil wala naman palang kontrata.
Boomerang?
Maniwala kayo, hanggang may mga tao diyan sa loob ng PBA na ang iniisip lang eh pansariling kapakanan, at hanggat may mga taong masasaktan dahil sa palakad nila, hinding hindi sila titigilan ng mga problema riyan.