Sparring mate ni Pacquiao umayaw
July 23, 2003 | 12:00am
Sa tindi ng lakas ng suntok ni International Boxing Federation junior featherweight champion Manny Pacquiao, napuwersa ang protege mula sa "The Golden Boy" Oscar dela Hoya gym ay sumuko sa pakikipag-sparr makaraan ang dalawang rounds sa Wild Card gym sa Los Angeles.
Ayon sa trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach, inihanay niya ang Mehikano na may impresibong 18-1 win-loss record para makipag-sparr kay Pacquiao ngunit hindi naman nito natagalan ang lakas ng mga suntok ni Pacquiao kaya napilitang umayaw pagkatapos ng dalawang rounds.
Batay sa ulat ni Roach, sinisiw lamang ni Paquiao ang kanyang matinding pagsubok sa iba pang sparring partners na kinabibilangan ng Japanese lightweight at junior welterweight. Ngunit hindi rin nakatulong nang bugbugin ni Pacquiao ang Mehikano na tumagal lamang ng dalawang rounds.
Sinabi ng kanyang business manager na si Rod Nazario na sa ngayon ay tumitimbang si Pacquiao ng 124 pounds na may 2 pounds na sobra sa kanyang limit pero ito ay dahil sa pagkain niya ng buong meal na hudyat na hindi magiging problema kapag dumating na ang official weigh-in sa Sabado.
Humanga si Roach sa dedikasyon at disiplina sa pagsasanay ni Pacquiao at sinabi nitong hindi siya nagkaroon ng anumang problema sa Pinoy.
Ayon pa kay Roach, masyadong malakas sumuntok ang makulay na Pinoy na maaaring magpabagsak kina Marco Antonio o Erik Morales, na kapwa featherweights, na siyang pagkakakitaan ng malaking pera kapag kanyang nakalaban.
Gayunpaman, hindi dapat maliitin ang walang pang talong challenger na si Emmanuel "The Butcher" Lucero. "He is tough and aggressive," ani Roach, na idinagdag naman na kayang-kaya ni Pacquiao ang laban niyang ito.
Ang laban ay ipapalabas ng Viva Sports mula sa Olympic Auditorium sa Los Angeles simula sa alas-12 ng tanghali sa Linggo sa RPN Channel 9 na tampok din ang laban sa pagitan nina Fernando Vargas at Fitz Vanderpool.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest