Pero walang sumuko. Nakangiti pa rin ang lahat at hindi nakaramdam ng kapaguran.
Iyan ang ilang senaryong nasaksihan ng mga empleyado sa kauna-unahang STAR Group of Publications PAISTARAN mini-olympics noong Sabado bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th anibersaryo ng The Philippine Star sa July 27.
Sa apat na teams -- Red, Blue, Green and Yellow -- hinati ang mga empleyadong nais maranasan ang sarap, hirap at kasiyahan ng isang mini-olympics na binubuo ng walong events (obstacle course, cheering competition, 8x50m mixed relay, 8x50m regular relay, group sack race, catch the dragons tail, tug-of-war at volleyball).
Kanya-kanyang gimik, kanya-kanyang kantiyawan habang nanonood ang mga miyembro ng bawat team sa paglahok ng ilang kasama sa mga event.
Walang kapagurang nadarama ang lahat sa mga oras na iyon.
At tulad ng ibang palaro, may nananalo at may natatalo.
Gayunpaman, hindi pa rin ang tagumpay at kabiguan ang importante sa mga empleyado kundi ang pagkakasama-sama, pagkaka-isa, karanasan at higit sa lahat ang kasiyahang naidulot ng palaro sa bawat isa.
Haaaaay nakakapagod, nananakit ang buong katawan ko, pero kung meron uli sa susunod na taon sasali pa rin ako, manalo man o matalo.
Katunayan si Miguel, ang president at CEO ng STAR Group of Publications ay naki-join sa amin sa tug-of-war event.
Salamat din Mario Mendoza, head ng collection and credit ng Phil. Star na siyang namahala sa amin at talaga namang naghirap na bantayan kami sa aming praktis. Kay Gerry Donato na nag-share ng kanyang konting kaalaman sa cheering at sa lahat ng members (kulang ang space para banggitin lahat) na nag-participate sa mga practices namin kahit na pasaglit-saglit lang dahil nga may trabaho at siyempre kay Mr. L-Rey Villafuerte na siyang nagbigay ng aming red cap.
Salamat din sa aming mga team captains na sina Jon jon De Guzman, Mario Geocada at Mike Maneze na hindi nagsawa sa pagbigay sa amin ng mga tips sa mga laro at kay Judy Serrano na siyang kumulit sa amin na mag-join dito. (Lahat ng PSN editors ay napuwersa niya)
At higit sa lahat, salamat sa Blue, Green and Yellow team na nagbigay ng mabigat na hamon sa aming kakayahan.
Magkita-kita tayo uli next year!