Darating sa Biyernes ang South Korean entry Yonsei University, sa Sabado naman ang Chinese club team Jilin Yi Qi, habang ang Yugoslavian selection ay naka-book na lumipad sa Miyerkules at Biyernes.
Nakatakda silang makipaglaban sa tournament kontra sa Southeast Asian Games-bound RP Team, Red Bull Barako, FedEx Express, Talk N Text, San Miguel Beermen, Coke at Alaska Aces na nakakuha ng huling slot na ipingakakaloob sa mga pro squads sa pagtatapos ng qualifying phase noong Linggo.
Bagamat hindi pa napa-finalize ang lineups ng guest teams hanggang sa hindi pa sila dumarating, isa sa maagang indikasyon na ang top-caliber opposition para sa anim na regular league teams ay ang RP team na mamanduhan ng beteranong si Aric del Rosario.
Ang Jilin Yi Qi Tigers na dadalhin ang kulay ng Star Margarine ay babanderahan ng 66 na si Sun Jun, isang long time mainstay ng Chinese National Team na pinangunahan ang Chinese league scoring noong nakaraang season sa pagposte ng 32.7 point norm.
Isa pang ex-national ang 68 na si Wang Yong Bo ang nakalista sa roster ng Tigers na tumapos ng ikatlo sa liga na mayroong 17-9 (win-loss) record sa likod ng Guangdong at perennial champion Bayi Rockets.
Pinaghalo naman ang Lamoiyan Corporation-backed Yugoslavian selection ng college standouts at commercial players mula sa Novi Squad na may average height na 66.
Sa kabilang dako, ang South Korea ay tatrangkuhan naman ng apat na mainstays ng national junior team na tumalo sa China, 101-72 sa nakaraang World Junior Championship sa Greece.
Ang apat ay sina Yang Hee-Jong, Kim Tae-Sul, Kim Jae-Hwan at Lee Kwang-Jae na sasamahan ni Bang Sung-Yoon, ang teams resident star na bahagi rin ng Sokor team na gumapi naman sa PBA-RP squad sa nakaraang Asian Games sa Busan.