Pinangunahan ni Latina, estudyante na kumukuha ng education sa Philippine Christian University ang mens 20-kilometrong karera sa isang oras, 11 minuto at 53 segundo, habang pinagreynahan naman ni Abueg, isang professor at track and field coach sa UPLB ang distaff side sa tiyempong isang oras, 47 minuto at 39 segundo.
Nagkaroon ng injury sa tuhod si Latina, na tumapos ng ikapito sa Lipa City Leg noong nakaraang taon sa nakaraang National Open.
Tumapos naman ng ikalawang puwesto ang 41-anyos na si Rogelio Andenig (1:12:57) at pangatlo si Esmeraldo Ondoy (1:13:05).
Sumegunda naman kay Abueg si Analiza Roxas (1:52:57) at tumersera si Elicia Domingo (1:54:13).