Lizardo gold sa flyweight
July 21, 2003 | 12:00am
Sumandig ang US Open silver medalist na si John Paul Lizardo ng La Salle sa kanyang karanasan upang patalsikin ang lahok ng UST na si Giorgio Von de Guzman, 3-2 at ibulsa ang junior mens flyweight gold medal kahapon sa Samsung Best of the Best Taekwondo Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Umabante ang 17-anyos na si Lizardo sa 1-0 kalamangan sa unang round ng kanyang patamaan si De Guzman sa bisa ng 45-degree kick sa kaliwang bahagi bago nakadikit sa kanyang kalaban at nagawa niyang makipagsabayan upang iposte ang nasabing tagumpay.
Napanatili naman ni Cathy Jane Hampac ng Zamboanga, ang nakaraang taong most valuable performer kasama si Lizardo ang junior womens finweight crown nang kanyang talunin si Cristina Faye Dagpin ng Angeles University Foundation, 8-5 sa isa pang kasiya siyang labanan sa tourney na ito na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association.
Sinalanta ni Hampac si Dagpin sa pamamagitan ng 45-degree at isa pang matinding sipa ang kanyang pinatama upang itala ang 6-3 kalamangan makaraan ang dalawang rounds.
Sa wakas, nakopo na rin ni Rolly Pentecostes ng Cotabato, na nabigo kay Lizardo noong nakaraang taong din, ang korona nang kanya namang pabagsakin ang US at Korean Open veteran na si Raymund Abellar ng Don Bosco Makati, 11-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended