FEU Tamaraws solo lider
July 21, 2003 | 12:00am
Sinolo ng Far Eastern University ang solong liderato sa UAAP mens basketball tournament matapos ilampaso ang National University, 71-49 sa Ateneo gym kahapon.
Nagpamalas ng mahigpit na depensa ang FEU Tamaraws upang ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa gayong ding dami ng laro habang nilamon naman ng NU Bulldogs ang kanilang ikalawang sunod na talo matapos magtagumpay sa kanilang debut game.
Ibinandera ng Far Eastern ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 22-puntos, 63-41 patungo sa huling mahigit tatlong minuto ng ikaapat na quarter.
Wala nang nagawa ang Bulldogs kundi lunukin ang pagkatalo sa puntong ito.
Iniwan ng Tamaraws sa ikalawang puwesto ang dating mga kasosyong De La Salle University at University of the East.
Sa ikalawang seniors game, nalusutan ng Ateneo de Manila Blue Eagles ang hamon ng University of Santo Tomas Growling Tigers, 69-65.
Pinamunuan ni Larry Fonacier ang Blue Eagles sa kanyang 18 puntos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended