^

PSN Palaro

Bustamante bigo sa World Pool Championships

-
Malungkot ang araw para sa mga Pinoy na umaasang ngayon na ang oras ni Francisco ‘Django’ Bustamante para masungkit ang nakawalang titulo sa World Pool championships.

Ang tila panalo nang panalo ay nauwi pa sa kabiguan makaraang sorpresahin ng German Ace na si Thorsten Hohmann si Bustamante, 11-10 sa Cardiff, Wales.

Isang kasiyahan na lamang para sa mga Pinoy ay maging ang umangkin ng korona noong 2002 na si Earl Strickland ay bigo ring maidepensa ang kanyang titulo.

At isang konsuwelo na rin sa mga Pinoy na ang Canada-based na purong Pinoy na si Alex Pagulayan ay umabante sa finals kontra kay Hohmann upang maipaghiganti ang kabiguan ni Bustamante.

Sinorpresa ni Hohmann si Bustamante sa kanilang quarterfinal duel nang hakutin nito ang huling limang racks, para sa kapana-panabik na 11-10 panalo sa labang pumapabor noong una sa Pinoy

Ang hindi gaanong kilalang German player ay tinapos ang kanyang eskplosibong araw sa pamamagitan ng 11-4 panalo kay Earl Srtickland.

At sa upper bracket, mahigpit na kinuha ni Pagulayan Sin-Young Park ng Korea bago sinundan ng 11-6 panalo laban naman kay Tony Drago para makasiguro ng upuan sa finals.

Ang magwawagi sa finals ay magbubulsa ng halagang $65,000 at ang runner-up naman ay $30,000. Nakasiguro naman sina Strickland at Drago ng tig-$17,500prize money para sa third place.

Si Bustamante, na umaasang magiging matagumpay ngayong taon makaraang mabigo noong nakaraang taon ay umabante sa 10-6 ng kanilang race-to-11 duel ngunit nabigo makuha ang panalo sa mga missed shots, na nagbigay daan kay Hohmann na makaiskor ng isang come-from-behind victory.

Si Bustamante na tumalo sa matalik niyang kaibigang si Efren ‘Bata’ Reyes sa Last 16 ay nakuntento na lamang sa halagang $8,500.

At sa pagkawala ni Bustamante, nakatuon na ngayon ang atensiyon ng lahat sa 25 anyos na si Pagulayan na nanini-rahan sa Toronto at nagkampeon sa Joss Tour Grand Final ngayong taon at pumangalawa naman sa US Open.

Pumasok sa World Pool si Pagulayan nang umusad ito sa semis noong 1999 kung saan nagkampeon si Reyes.

Sa katunayan nag-tryout ito sa Philippine delegation ngunit hindi nakapasa.

Ngunit ipinagpatuloy ng Toronto-based Pinoy na tinaguriang ‘The Lion’ ang kanyang pangarap at nakakuha ng puwesto sa Canadiam squad.

Huling naabot ni Pagulayan sa World Pool ang Last 16 noong 2000 ngunit napatalsik sa Last 64 noong 2001 bago muling nakabalik sa last 16 noong nakaraang taon.

At ngayon, puntirya ng Canadian champion ang halagang $65,000 at ang korona hindi lamang para sa Canada ngunit para na rin sa mga Filipino kung saan siya nagmula.

ALEX PAGULAYAN

BUSTAMANTE

EARL SRTICKLAND

EARL STRICKLAND

HOHMANN

PAGULAYAN

PARA

PINOY

SI BUSTAMANTE

WORLD POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with