^

PSN Palaro

2nd win kinolekta ng DLSU at UE

-
Kinolekta ng De La Salle University at Univer-sity of the East ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang magkahiwalay na panalo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ateneo Gym.

Pinayukod ng UE Red Warriors ang Adamson University sa unang laro, 74-61 habang pinasadsad naman ng DLSU Green Archers ang University of the Philippines, 67-58 sa ikalawang laro.

Bunga ng panalong ito ng La Salle at East, nagkaroon ng three-way logjam sa liderato matapos nilang saluhan ang walang larong Far Eastern University.

Umabante ang East sa 21-puntos na kalamangan, 46-25 sa ikatlong quarter na kanilang naging puhunan sa tagumpay.

Tanging nagawa lamang ng Adamson ay makalapit sa 38-49, ngunit hindi naman nagpabaya ang East nang muli nilang ilayo ang iskor sa 70-52 matapos ang 12-4 atake sa ikaapat na quarter.

Umiskor naman si Joseph Casio ng pitong puntos sa pivotal 14-2 run ng La Salle sa ikaapat na quarter upang palobohin ang kanilang 54-51 kala-mangan sa komportableng 66-53 patungo sa huling 2:13 minuto ng labanan.

Lalo namang nabaon ang Adamson Falcons at UP Maroons sa 0-2 kartada sanhi ng kanilang kabiguan.

Tumapos si Casio ng 12puntos, walo nito ay sa ikaapat na quarter sa likod ng 14 puntos ni Mark Cardona na naguna para sa La Salle.

"The boys played their usual roles. They were very organized at both ends," ani UE coach Boyzie Zamar. (Ulat ni CVO)

ADAMSON FALCONS

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO GYM

BOYZIE ZAMAR

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

JOSEPH CASIO

LA SALLE

MARK CARDONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with