^

PSN Palaro

Magic ni Reyes ipinasa na kay Bustamante

-
Nakita ng mga Pinoy na manonood ang klasikong showdown ng ma-talik na magkaibigang Francisco ‘Django’ Bustamante at Efren ‘Bata’ Reyes, ang pagpasa ng trono ng mas nakababatang si Francisco na winakasan ang lucky streak ng ‘The Magician’ ng siya mismo ang kumana ng ala-magic na tira para sa 11-8 panalo at ilista ang sarili sa quarterfinals ng World Pool Championships sa Cardiff, Wales.

Ang tanging Pinoy na nasa round-of-16 na si Ramil Gallego na naka-usad sa main draw matapos magwagi sa qualifying tournament ay binigo naman ng Canada-based Pinoy na si Alex Pagulayan na patuloy ang pananalasa, 11-4.

Pinataob naman ni Chinese-Taipei sensation Chinshun Yang ang 2001 World Pool Champion Mika Immonen ang 11-5.

Maagang umabante si Bustamante 5-3 sa likod ng kanyang pambihirang break ngunit umupo sa kanyang silya habang pinapanood ang mahika ni Reyes na mapagwagian ang tatlong racks at maagaw ang bentahe, 6-5.

Ngunit minalas si Reyes at nag-scratch sa break sa rack 12 at itabla ang laro sa 6-6.

Ibinulsa ni Bustamante ang bola sa break sa 13th rack at itago ang 1-ball sa likod ng 7 ngunit isa na namang magic ang pinakawalan ni Reyes para palusutin ang one at makakuha ng magandang posisyon sa 2-ball position at makausad sa 7-6 na nagbigay sa kanya ng psychological edge.

Naubusan ng titirahin si Reyes nang kunin lahat ni Bustamante ang dalawa pa para muling itabla uli ang iskor sa 7-7, bago ibinulsa ang tatlong bola sa kanyang break at linisin ang rack upang itala ang 8-7 abante at sundan pa ng klasikong break at run out para sa 9-7

"It’s tough to play against your countryman. I feel terrible. Filipinos don’t like to see Efren and me against each other because we are like brothers. But what can we do. This is the draw and this is a game," ani Bustamante matapos magwagi sa kanyang laban.

Makakalaban ng 39 anyos na Pinoy, na runner-up noong nakaraang taon kay Earl Strickland, ang 24 anyos na si Thorsten Hohmann ng Germany na nagsabi namang mas gusto niyang makaharap si Busta-mante kaysa kay Reyes.

Tinalo naman ng defending champion na si Earl Strickland na maka-kaharap si Yang sa quarterfinals ang British snooker ace na si Steve Davis 11-9.

ALEX PAGULAYAN

BUSTAMANTE

CHINSHUN YANG

EARL STRICKLAND

EFREN

PINOY

RAMIL GALLEGO

REYES

STEVE DAVIS

THORSTEN HOHMANN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with