UAAP volleyball at women's basketball simula na

Sisimulan na ang aksiyon sa volleyball at women’s basketball ng 66th season ng University Athletic Association of the Philippines bukas, July 20 sa dalawang lugar--University of the Philippines (UP)-Diliman at Adamson University gyms.

Walong koponan ang isasalang agad sa volleyball sa UP gym kung saan makikipagbanatan ang defending men’s champion Santo Tomas U sa UP sa alas-9 ng umaga matapos ang tunggalian naman sa pagitan ng De La Salle-Far Eastern sa alas-8.

Ang iba pang laro sa men’s division ay magtatampok sa Adamson vs National U sa alas-10 at University of the East kontra sa Ateneo sa alas-11 ng umaga.

Maglalaban naman sa women’s bracket ang UE vs Ateneo sa alas-8 a.m. FEU kontra UST sa alas-9 a.m. DLSU na haharap sa UP sa alas-10 at Adamson vs NU sa alas-11 ng umaga.

Samantala sa women’s basketball, tumapos ang DLSU ng unang puwesto sumunod ang Adamson, FEU, UP, Ateneo , UST at UE.

Show comments