Ito ay isang magandang follow-up hinggil sa nakaraang linggong regional elimination race na idinaos sa Tacloban, Leyte na humakot ng mahigit sa 5,400 entries, ang siyang pinakamalaki sa kasaysaysan ng karerang ito.
Inaasahang mahigit sa 5,000 runners ang tutungo sa starting line sa City Hall kung saan ang karera ay magsisimula eksaktong alas-6 ng umaga at inimbitahan si Lipa Mayor Vilma Santos-Recto na maging special guest of honor sa nasabing event.
Bukod sa Lipa City students na bubuuin ng bulto ng mga kalahok sa 5K fun run at 3K kiddie run, marami pang runners ang dadalo mula sa mga kalapit na siyudad at probinsiya ng Laguna, Cavite at Quezon ang sasabak sa karerang ito na ang top 3 male at female finishers sa 20K qualifying race ang siyang kakatawan sa rehiyon sa national finals sa Manila sa October.
Idedepensa nina Noel Ricamunda at Liza Yambao ang kani-kanilang korona sa 20K at ang mananalo ang siya namang makakasama ng mga maagang qualifiers mula sa nakaraang elimination races na ginanap sa Naga City, Roxas City, Tuguegarao at Tacloban City.