^

PSN Palaro

Milo Marathon dadako sa Lipa City

-
Inaasahang panibagong record ng mga runners ang mapapatala para sa 27th National Milo Marathon na magbabalik sa Luzon matapos na dumako sa Visayas sa Linggo para sa ikalimang yugto ng pinakamalaki at matandang running program sa kalsada.

Ito ay isang magandang follow-up hinggil sa nakaraang linggong regional elimination race na idinaos sa Tacloban, Leyte na humakot ng mahigit sa 5,400 entries, ang siyang pinakamalaki sa kasaysaysan ng karerang ito.

Inaasahang mahigit sa 5,000 runners ang tutungo sa starting line sa City Hall kung saan ang karera ay magsisimula eksaktong alas-6 ng umaga at inimbitahan si Lipa Mayor Vilma Santos-Recto na maging special guest of honor sa nasabing event.

Bukod sa Lipa City students na bubuuin ng bulto ng mga kalahok sa 5K fun run at 3K kiddie run, marami pang runners ang dadalo mula sa mga kalapit na siyudad at probinsiya ng Laguna, Cavite at Quezon ang sasabak sa karerang ito na ang top 3 male at female finishers sa 20K qualifying race ang siyang kakatawan sa rehiyon sa national finals sa Manila sa October.

Idedepensa nina Noel Ricamunda at Liza Yambao ang kani-kanilang korona sa 20K at ang mananalo ang siya namang makakasama ng mga maagang qualifiers mula sa nakaraang elimination races na ginanap sa Naga City, Roxas City, Tuguegarao at Tacloban City.

CITY HALL

INAASAHANG

LIPA CITY

LIPA MAYOR VILMA SANTOS-RECTO

LIZA YAMBAO

NAGA CITY

NATIONAL MILO MARATHON

NOEL RICAMUNDA

ROXAS CITY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with