Blazers sinakmal ng Red Lions

Sumalo sa segunda posesyon ang San Beda College nang kanilang pasadsarin ang College of Saint Benilde, 91-81 sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Sumosyo sa 3-2 record ang SBC Red Lions kasama ang Colegio de San Juan de Letran, Mapua Institute of Technology at defending champion San Sebastian College.

Humataw sina Jerome Paterno, Arjun Cordero at Ronnie Bughao na may pinagsama-samang 60 puntos para sa Bedans.

Si Paterno ay kumana ng 22-puntos, 20 kay Cordero at 18 naman mula kay Bughao na nagpalasap ng ikalimang sunod na talo sa inaalat pa ring CSB Blazers.

Pinakamalaking bentahe ng San Beda ay 13-puntos, 54-41 sa ikatlong quarter.

Sa unang laro, dinurog naman ng Philippine Christian University ang University of Perpetual Help Rizal , 79-58.

Umangat ang PCU Dolphins sa 2-3 record na katabla na ngayon ng UPHR Altas.

Sa juniors division, pinasadsad naman ng PCU Baby Dolphins ang UPHR Altalletes 106-87.

Show comments