Ang dalawang kilalang cue masters ay nanaig sa kani-kanilang kalaban sa magkaibang paraan habang patuloy ang pananalasa ng qualifier na si Ramil Gallego sa pagpapatuloy ng World Pool Champion-ships sa Cardiff, Wales.
Dinaig ni Bustamante ang kababayang si Lee Van Corteza, 9-3, sa-mantalang nalusutan naman ni Reyes ang isang mapanganib na laban kontra kay Dutch Nick van den Berg sa makapigil-hiningang 9-8 panalo.
Samantala, napigil naman ang impresibong performance ni Marlon Manalo nang wakasan ito ng South Korean na si Jeong Younghwa, 9-2 at maiwan na lamang si Gallego na tanging Pinoy na nasa last 16.
Dinaig ng 27 anyos na si Gallego ang Taiwanese na si Lee Kunfang, 9-6 at itakda ang laban kay Canadian-based Pinoy Alex Pagulayan na nanalo kay American Rodney Morris 9-8 upper bracket.
"I dont know whats going to happen. Im sure Efren is figuring how he will beat me," ani Bustamante, na tumalo sa 1999 champion noong nakaraang taon sa quarterfinals ngunit nabigo sa korona kay American Earl Strickland, 15-17.
"I am very happy that I won (over van den Berg), but I will have to play better against Bustamante," anaman ni Reyes, na kampante na sana makaraang ang 7-3 bentahe.
Ngunit nagrally ang Dutchman para mapagwagian ang sumunod na apat na racks at kunin ang abante sa 8-7 ngunit hindi tumama sa 16th rack nang mawala sa position ang orange 5.