^

PSN Palaro

Kampanya ng RP archers tumiklop na

-
THE BRONX, New York -- Tuluyan ng tumiklop ang kampanya ng Philippine Team sa 42nd World Archery Championships noong Miyerkules nang kapwa mapatalsik sina Raul Ramon Arambulo at Rachelle Anne Cabral sa qualifiers’ zone.

Tumapos ang 42-anyos na si Arambulo, ang dating manunudla na lumipat sa pagiging archer nang 68th place mula sa 107 entries sa men’s compound division, kung saan sumablay siya sa 64-player cut sa pamamagitan ng tatlong puntos lamang. Umiskor si Arambulo sa apat na distansiya na kinabibilangan ng 50 at 30 metro sa iskor na 1330.

At ang tanging naging konsolasyon ni Arambulo ay ng pumalaso siya ng 352 sa 30 metro nang kanyang burahin ang national record na 351 sa 30 metro at nakisosyo siya kina Manny Martinez at Earl Yap.

Lumagpak naman ang 18-anyos na si Cabral, isang physical education freshman sa University of Makati ng pang-70th posisyon mula sa 138 kalahok sa women’s recurve division. Siya ay tumapos ng 1268 na kinapos rin lang ng tatlong puntos sa likod ng iskor ng ika-64th at huling qualifier sa championship round.

"Sayang si Raul, nahila siya pababa sa (50 meters). nandoon lang yung mga tira niya at inikutan ‘yung diyes (10 ring). Pasok na pasok sana sa championships round," wika ni Jun Cortez.

Tumapos naman si Carlos Carag ng 90th place sa iskor na 1300 sa men’s compound, habang pang-100th naman si Clint Sayo sa kanyang 1270 iskor at 101st sa kanyang ipinosteng 1267.

Nangulimlim rin si Joann Tabanag nang pumuwesto lamang ng 104th sa women’s recurve (1216), habang pang-105th si Jasmin Figueroa (1215).

vuukle comment

ARAMBULO

CARLOS CARAG

CLINT SAYO

EARL YAP

JASMIN FIGUEROA

JOANN TABANAG

JUN CORTEZ

MANNY MARTINEZ

NEW YORK

PHILIPPINE TEAM

RACHELLE ANNE CABRAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with