Ngunit may kondisyon para makuha nila ito.
Kailangang talunin nila ang Sta. Lucia at kailangan namang manalo ang Shell laban sa Ginebra sa pagpapatuloy ng PBA Samsung Invitational Cup.
Nakatakda ang Alaska-Sta. Lucia encounter sa alas-5:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome na susundan ng sagupaan ng Ginebra at Shell sa ikalawang laro.
Ang Alaska na lamang ang wala pang talo sa single round five-team tournament na ito at kung tatalunin nila ang Realtors, ang Ginebra na lamang ang tanging hadlang sa kanilang landas para makasama sa susunod na kumperensiya.
Tanging ang Ginebra na lamang ang may pag-asang mag-no. 1 at itoy mangyayari kung mananalo sila sa Turbo Chargers ngayon at sa kanilang huling asignatura laban sa Alaska.
Ngunit kung magiging matagumpay ang Aces, sila ang makakasama ng San Miguel, FedEx, Talk N Text, Red Bull at Coca Cola na nauna nang nag-qualify sa Asian Invitationals.
Kasama rin sa torneong ito ang mga koponan na mula sa China, Yu-goslavia at Korea na may premyong $20,000 para sa champion team bukod pa sa RP team na nagsasanay para sa Vietnam Southeast Asian Games sa Disyembre.