Tinalo ni Reyes, na umaasang muling makukuha ang world title na kanyang napanalunan noong 1999, si Johnny Archer ng US.
Lima pang Pinoy ang umusad sa last 32 at ito ay sina Francisco Django Bustamante, Lee Van Corteza, Ramil Gallego at Marlon Manalo na nagposte ng lopsided na tagumpay sa kani-kanilang mga kalaban.
Ngunit hindi naman sinuwerte sina Antonio Lining, Dennis Orcullo at Warren Kiamco.
Yumuko si Lining kay Hinokiyama Haruyoshi ng Japan, 8-9 at nabigo naman si Orcullo kay American Max Eberle sa gayunding iskor.
Natalo naman si Kiamco kay Mark Holtz ng Luxembourge, 3-9.
Dinaig naman ni Bustamante na naghahangad na masungkit ang nakawalang titulo noong 2002, kay Oliver Ortmann, 9-2 ngunit ang susunod na makakalaban ay ang kababayang si Corteza, na nanaig kay Sten Jarledal ng Sweden, 9-2.
Ang tagumpay nina Reyes at Bustamante ay nagsaayos na nakaka-intrigang sagupaan ng dalawang Pinoy na nasa lower bracket sa last 16.
Napanatili ni Manalo ang momentum nang paluhurin si Ernest Do-minguez, 9-4 na siyang iskor na ipinoste ni Gallego sa kanyang panalo kay Russian Evgeny Stalev.
Makakaharap ni Gal-lego ang Taiwanese na si Lee Kunfang habang makikipagpalitan ng tako si Manalo kay Jeong Younghwa ng Korea sa last 32.
Umabante din sina 2001 champion Mika Immonen. German Ralf Souquet, Englishman Steve Davis, Swede Marcus Chamat, Dutch Niels Feijen at Strickland.