Tumapos si Arambulo ng ika-53rd puwesto mula sa 107 entries makaraan ang dalawang events--ang 90 at 70 meters mens compound division noong Martes kung saan ang top 64 manunudla ang siyang eentra sa championship round na isang one-on-one, knockout phase. Dalawa pang distansiya ang lalaruin ang 50 at 30 sa Miyerkules upang madetermina ang mga qualifiers.
Ang pagtatapos na ito ng 42-anyos na si Arambulo ang siyang pinakamagandang puwesto sa ngayon ng Filipinos na sumasabak sa mahigpitang tournament na ito na dominado ng traditional power na Korea at ng kara-mihan ay mula sa host country na Amerika.
Umiskor si Arambulo ng 651 puntos nang pumalaso ito ng 312 sa 90 metro kung saan nairanggo siya na ika-68th bago nakakaahon matapos na pumana ng 339 iskor sa 70 metro.
Napanatili naman ng University of Makati freshman na si Rachelle Anne Cabral, 18-anyos ang kanyang tsansa na makasama sa Olympics nang pumang-73rd ito mula sa 137 kalahok sa womens recurve division.
Ang Olympics slots ay nakataya lamang sa recurve division.
Bagamat nasa bingit na ng alanganin, nananatili pa ring buo ang kumpiyansa ni Jasmin Figueroa na lumag-pak sa ika-100th puwesto matapos ang kanyang itinalang 594 puntos, habang hindi rin naging maganda ang kampanya ng beteranang si Joan Tabanag na sandaling na-confine sa hospital sanhi ng masamang sikmura bago magsimula ang tournament nang pumuwesto ito ng ika-105th sa kanyang 590 puntos.