^

PSN Palaro

Mas maraming Pinoy ang pasok sa World Pool Championships

-
Walong Pinoy ang umusad sa round of 64, at dahil dito, kinilala ang Pilipinas na may pinakamaraming players na umabot sa krusiyal na yugto ng World Pool Championships sa Cardiff International Arena, Cardiff, Wales.

Nanatiling malinis sina Efren ‘Bata’ Reyes, snooker ace Marlon Manalo para makasama sa liderato sina Canada-based Pinoy Alex Pagulayan at German Ralf Souquet na may 7-0 win-loss mark.

Ang tanging nakawala sa listahan ng mga Pinoy ay si Ronnie Alcano na hiniya ni Reyes, 5-1.

At sa huling araw ng Group match elimination, ginapi ni Reyes si Roxtone Chapman, 5-2 habang magaan namang tinalo ni Manalo si Pascal Budo, 5-2 bago makabangon sa 2-4 deficit at magwagi kay Haruyoshi Hinokiyama , sa makapigil-hiningang 5-4 tagumpay.

Ngunit ang tunay na pagsubok ay nagsimula na sa winner breaks race-to-9 format kung saan ang kampeon ay mag-uuwi ng top prize na $65,000 at $30,000 sa runner-up.

Si Reyes, tinaguriang "The Magician" Reyes, at paborito ng British bookmakers, ay makakaharap naman ang No. 2 favorite na si Johnny Archer, na nakalusot matapos ang dalawang kabiguan at nakaabot sa huling upuan sa Group 7.

Makikipaglaban naman si Francisco ‘Django’ Bustamante kay 2003 European champion Oliver Ortmann, na tulad ni Archer ay humabol sa huling biyahe.

Makakalaban naman ni Manalo si Ernesto Dominguez ng Mexico na nagtapos na ikaapat sa Group 8 na may 4-3 record.

Ang lider sa Group 10 na si Lee Van Corteza ay makakatagpo si Sten Jarledal ng Sweden.

Makikipagtumbukan naman si Dennis Orcullo kay Mad Max Eberle at makakalaban naman ni Ramil Gallego ang Russian na si Evgeny Stalev

Makikipagtipan naman si Bustamante kay 1999 All-Japan Pro Tour champion at kasalukuyang world no. 3 na si Hinokoyama.

vuukle comment

ALL-JAPAN PRO TOUR

BUSTAMANTE

CARDIFF INTERNATIONAL ARENA

DENNIS ORCULLO

ERNESTO DOMINGUEZ

EVGENY STALEV

GERMAN RALF SOUQUET

HARUYOSHI HINOKIYAMA

JOHNNY ARCHER

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with