Nagsalpak si Darryl Smith ng dalawang charities sa huling 42 segundo upang trangkuhan ang Cebuanos na pabagsakin ang host Compak Shineway-Ozamiz, 72-69 noong Linggo makaraang igupo ang Air Philippines-Bacolod, 88-81.
Hiniya naman ng MayniLA ang Air Philippines, 95-79 upang makabangon mula sa 69-94 pagkatalo sa mga kamay ng Ozamiz boys noong nakaraang Sabado.
Bunga ng kanilang kambal na panalo, napaganda ng Cebuanos ang kanilang record sa 7-1 panalo-talo karta sa tourney na ito na hatid ng Tanduay Rhum, Air Philippines, Cebu Ferries, Natures Spring Drinking Water, SuperCat, Gatorade, Sinners and Saints, BJ Star Logistics, The Freeman, Jaguar KTV, Panasonic at Molten Basketballs.