^

PSN Palaro

Stags hiniya ng Knights

-
Gumamit ang Letran Knights ng matatag na endgame upang hiyain ang defending champion San Sebastian Stags, 73-64 sa pagpapatuloy kahapon ng 79th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang panalong ito ng Intramuros-based squad ang nagdala sa kanila ng pakikisalo sa liderato sa Mapua Tech.

Sumandig ang Letran sa agresibong opensa ni Ronjay Enrile nang tumapos ito ng 20 puntos upang pamunuan ang Knights na ipalasap sa three-peat seeking Stags ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo.

Habang trinatrangkuhan ni Enrile ang kanilang opensiba sa labas, nagbigay naman ng malaking suporta ang tandem nina Frederick Rodriguez at Jonathan Pinera na siyang nangasiwa naman sa shaded area nang kanilang ma-check ang 6’7 na si Clark Moore.

Sa pagtutulungan nina Enrile at Jonathan Aldave, nagawang itayo ng Letran ang kampanteng 49-40 kalamangan sa kalagitnaan ng third canto.

Tatlong ulit na sinikap ng Recto-based dribblers na bumangon na ang huli ay sa 55-56 may pitong segundo na lamang ang nalalabi.

Ngunit ito na ang huling hirit ng Stags nang umigkas ang 15-2 salvo ng Knights sa pangu-nguna ni Enrile na umiskor ng tres at jumper upang iselyo ang kanilang ikalawang sunod na panalo.(Ulat ni M.Repizo)

CLARK MOORE

ENRILE

FREDERICK RODRIGUEZ

JONATHAN ALDAVE

JONATHAN PINERA

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

MAPUA TECH

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

RONJAY ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with