^

PSN Palaro

Baguhan naghari sa Tacloban elims ng Milo Marathon

-
TACLOBAN CITY-- Isang baguhan sa Milo Marathon ang naghari nang maunang tumawid sa finish line si Edgar Lapasigue ng Catbalogan, Samar at Camila Luterte ng Baybay, Leyte sa Tacloban elminations na sinalihan ng 5,400 runners.

Isang beteranong marathoner na lumahok na rin sa Pasig Heritage Marathon at katatapos na Manila Marathon, ang 23 anyos na si Lapasigue na nagsanay sa loob ng anim na buwan para sa karerang ito ay nagbunga naman nang sa unang pagkakataon ay nagkuwalipika ito sa National finals ng 27th Milo Marathon na nakatakda sa Oktubre sa Manila.

"Sa last kilometer ko lang hinataw at naiwanan ko yung second placer, sa national finals kahit top ten lang makapasok, okay na," ani Lapasigue na naorasan ng 1:09.42 at nagbulsa ng P10,000.

Pumangalawa naman ang 24 anyos na si Demetrio Rosales sa bilis na 1:10.02 at tersera si Alvin Magpatoc (1:10.59) para makumpleto ang qualifiers para sa kalalakihan sa national finals ng event na suportado ng Cebu Pacific, Bayview Park Hotel, Adidas, Power Bar, My Globe, at DOT.

Kakaiba naman ang kuwento sa kababaihan dahil ang 40 anyos na si Luterte na may itinalang oras na 1:32.17 time ay tatlong buwan pa lamang nagsasanay kung saan ang tanging karerang tinakbuhan ay ang 10K sa Cebu.

Pumangalawa naman si Runa Delbo, 18, isang education student sa Leyte Normal University na naorasan ng 2:04.48 ang tersera ay ang 24 year old na si Christina Chua 2:04.49.

ALVIN MAGPATOC

BAYVIEW PARK HOTEL

CAMILA LUTERTE

CEBU PACIFIC

CHRISTINA CHUA

DEMETRIO ROSALES

EDGAR LAPASIGUE

ISANG

LAPASIGUE

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with