Tampok na panauhin si Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista na isa ring badminton player sa opening ceremonies ng nasabing tournament na co-presentor ng Dunlop Slazenger Phils., na sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibigay ng kakaibang team competition format sa Philippine Badminton.
Ang elimination ay gaganapin sa Yellow Feather matapos ito, dadako naman ang aksiyon sa SM Megamall Atrium para sa quarterfinals, semifinals at finals. Inimbitahan din si Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain bilang principal guest sa SM Megamall ceremonies sa Huwebes.
Tampok rin sa nasabing tournament ang Celebrity Cup sa Linggo sa Megamall kung saan ilang mga movie at tv personalities sa bansa, kabi-lang si Gen. Edgardo Aglipay na siyang vice president ng Philippine Badminton Association ang maglalaban-laban rin.