Tigers pinana ng Archers;Maroons sinagpang ng Bulldogs
July 13, 2003 | 12:00am
Humataw sa ikaapat na quarter ang De La Salle University na kani-lang naging tuntungan sa 88-75 panalo kontra sa University of Santo Tomas kagabi sa pagbubukas ng UAAP mens basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Isang 16-0 run na pinangunahan ni Jerwin Gaco upang dumistan-siya ang last year runner-up na La Salle sa 75-64 kalamangan na kanilang ginamit sa pagkubra ng kauna-unahang panalo.
Nilimitahan ng DLSU Green Archers ang UST Tigers sa walong puntos lamang sa unang siyam na minuto ng final canto at 11 puntos sa kabuuan ng naturang yugto.
Humakot naman ng 29 puntos sa final canto ang Archers na nabaon ng 10-puntos sa ikatlong quarter, 64-54 matapos ang 15-2 run.
Sa naunang laro, impresibong debut ang isinagawa ng National University nang kanilang gulantangin ang University of the Philippines, 74-70.
Sinandalan ng NU Bulldogs ang kabayanihan ni Bryan Tolentino na umiskor ng assurance basket para sa buwena manong panalo ng Nationals.
Umabante na sa 72-65 kalamangan ang Bulldogs nang kanilang ihataw ang 9-0 salvo na kinapalooban ng tres ni veteran Froilan Baguion patungo sa huling 1:36 minuto ng labanan.
Humirit pa ang UP Maroons nang silay makalapit sa 70-72 nang pangunahan ni Jireh Ibañes ang opensiba ng State U, 33 segundo na lamang ang oras sa laro.
Isang magarbong programa ang ihinanda ng host Ateneo sa opening ceremonies kung si Mikee Cojuangco ang guest speaker at si POC president Celso Dayrit naman ang nag-declare ng pormal na pagbubukas ng laro.(Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended